Gutom Serye 1: Carbonara

Kuripot tayo mga bes. Sa karanasan ko, napakadali magpadeliver pag bagong sahod. Tapos gagapang sa barya barya bago makasahod uli.

Independent living pero nakakatamad magluto kasi may matatambak na hugasin. At dahil tamad din ako, aabutin pa ng 3days ang lababo bago malinis at maligpit. Minsan umaabot pa ng 1 week lalo na pag nakakastress sa werk mga mamshie.

Kaya eto, ibabagi ko sa inyo ang pinakatatago kong mga sikreto sa buhay at sa bahay. Game

Para sa pinakadamaling carbonara sa buong buhay mo. Kailangan mo ang mga sumusunod:

Sa paggawa ng sauce
1 Knorr Cream of Mushroom Soup (70g instant soup mix)
1 can Evaporated Milk (300ml)
1 pack Alaska Crema
1 Knorr Chicken Cube
50grams unsalted butter
Asin
Paminta
Tubig

*sa isang sauce pan, ilagay ang evaporated milk. Gamit ang lata nito bilang panukat, maglagay din ng 2 latang tubig.
*Tunawin ang 5 kutsarang mushroom soup mix sa evap+tubig mixture
*ilagay ang knorr cube at butter
*buksan ang apoy at haluin, iwasang mamuo o masunog ang nasa ilalim ng saucepan.
*lalapot yan bes, pagkatunaw ng butter haluin mo maigi.
*isama mo na ang cream. at timplahan ng paminta at asin (pwede mo rin timplahan ng asukal, pero manamis namis na rin ang evap at cream)
*iwasan mong pakuluan ang sauce lalo na pag naihalo mo na ang cream. Baka magmantika, magmumukhang ginataang langka yan bes.



Sa paggawa ng topping
I got two words for you...
PRITONG SPAM

pwede din maling. Pero dahil tipid ako, tumatagal ng 2 linggo ang spam sakin. Basta nakatago sa freezer.
Pramis bes, depende sayo kung pano mo hiwain. Pwede slices na manipis para mukhang crispy bacon, pero sa tamad na tulad ko, maliliit na cubes lang. Mukha tuloy catfood pag naluto. Hahaha

Pero yun lang talaga.
Ang kaartehan ko lang, gumawa ako ng pasta from scratch. Anudaw? Semolina bes.
Medyo matrabaho pero dahil meron naman ako semolina, gumawa na lang ako kaysa lumabas pa ko at bumili ng pasta.








Virgin pa ko sa paguupload dito gamit ang phone, pero kwentuhan mo ko kung nagawa mo to.



Enjoy!🐷

Comments